TALAKAYAN I:
PANDIWA
Aralin 1 Aspekto ng Pandiwa
Layunin:
- Makikilala ang ibat-ibang aspekto ng pandiwa ayon sa tamang paggamit.
Kahulugan:
Bahagi ng pananalita na nagsasad ng kilos o galaw.
Halimbawa:
Ang konstabularya ay naglunsad ng puspusang pagsugpo sa mga bandido.
Mga Aspekto ng Pandiwa
Aspekto
- ang tawag sa panahoon ng pagkakaganap ng kilos.
Pawatas
- ang tawag sa mga pandiwang hindi pa nababanghay sa ibat-ibang aspekto.
1. PERPEKTIBO
- Ang kilos ay naganap o nangyari na.
Halimbawa:
Salitang ugat Pawatas Perpektibo
ayon umayon umayon
2. IMPERPEKTIBO
- Ang kilos ay nagaganap o kasalukuyang nangyayari.
Halimbawa:
Salitang ugat Pawatas Imperpektibo
kaway kumaway kumakaway
3. KONTEMPLATIBO
- Ang mga kilos ay mangyayari o magaganap pa lamang.
Halimbawa:
Salitang ugat Pawatas Kontemplatibo
asa umasa aasa
PAGSASANAY:
Panuto: Isulat ang tamang banghay ng pandiwa sa mga sumusunod na aspekto.
PAWATAS PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO
1. itampok
2. magpakasaya
3. kaltasin
4. pagtakpan
5. magsaya
6. tumulong
7. ikamangha
8. magkasubukan
9. ipagtanggol
10. puntahan
TALAKAYAN II
MGA URI NG PANDIWA
Aralin 2
Layunin:
- Natutukoy ang uri ng pandiwa ayon sa layon.
1. PALIKAS - kalikasan ang paksa.
Halimbawa:
1. Umaaraw kanina.
2. Bumabaha ang ilang lugar sa maynila
3. Umuulan ng buhangin sa saudi arabia.
2. PALIPAT - may paksa at tuwirang layon.
Halimbawa:
1. Si Ramon ay nag-aayos ng sirang barko.
2. Naglilinis ng kuwarto si delia.
3. KATAWANIN - may paksa subalit walang layong tumatanggap.
Halimbawa:
1. Ang lalaking magnanakaw ay nakulong.
2. Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay
3. Ang bata ay umiiyak.
PAGSASANAY:
Panuto: Isulat ang P kung ang nasa loob ng panaklong ay palipat, at K naman kung ito ay katawanin.
____1. Nagtuturo ng libre sa mga matatandang hindi marunong magsulat at bumasa ang pampublikong guro.
____2. Masayang naghahabulan ang mga batang-kalye.
____3. Nagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo ang mga mag-aaral ng unibersidad ng urdaneta.
____4. Ang mga magkakaibigan ay magtatanghal ng sayaw sa darating na palatuntunan.
____5. Si Lola anita ay nagbabasa ng Bibliya tuwing umaga.
____6. Ang dalawang binata ay seryosong naguusap sa sala.
____7. Nagmungkahi ng bagong teknolohiya sa pagsasaka ng mga kanayon niya si G. andres.
____8. Maagang naktulog si Richie dahil sa sobrang pagod.
____9. Pumunta kami sa simbahan.
____10. Tumatawag sa telepono si Hanna nang dumating ang kaibigan niya.
TALAKAYAN III
POKUS NG PANDIWA
Aralin 3
Layunin:
- Makikilala ang bawat pokus ng isang pandiwa ayon sa paggamit.
Pokus ng pandiwa
- ang pokus ay nagpapakilala ng kaugnayan ng ibat-ibang panlapi ng pandiwa sa naging posisyon ng paksa sa pangungusap.
1. Pokus sa Tagatanggap o Aktor Pokus
- ang paksa ang tagatanggap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?". (mag-, um-,mang-,ma-, maka-,makapag-, maki-, magpa-.)
Halimbawa:
1. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
2. Nagluto ng masarap na ulam si nanay.
3. Bumili si Rosa ng bulaklak
4. Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang
kapatid.
2. Pokus sa Layon
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “ano?”
[-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an] Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:
1. Nasira mo ang mga props para sa play.
2. Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
3. Binili ni Rosa ang bulaklak.
3. Lokatibong Pokus o Pokus sa ganapan
Ang paksa ang lugar na ginaganapan
ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “saan?” [pag-/-an , -an/-han
, ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]
Halimbawa:
1. Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming
gulay.
2. Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na
ulam.
3. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
4. Pinadausan ng
paligsahan ang bagong tayong entablado.
4. Benepaktibong Pokus o Pokus sa Tagatanggap
Ang paksa ang tumatanggap sa
kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “para kanino?” [i- ,
-in , ipang- , ipag-] Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
Halimbawa:
1. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap
na ulam.
2. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen
5. Instrumentong Pokus o Pokus sa Gamit
Ang paksa ang kasangkapan o
bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”
[ipang- , maipang-]
Halimbawa:
1. Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng
masarap na ulam para sa amin.
2. Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
3.
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.
6. Kosatibong pokus o pokus sa sanhi
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi
ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “bakit?” [i- , ika-
, ikina-]
Halimbawa:
1. Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming
nanay.
2. Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa
kanya.
3. Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag -anak.
7 .Pokus sa direksyon
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?” [-an ,
-han , -in , -hin]
Halimbawa:
1. Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
2. Pinuntahan ni Henry ang
tindahan para mamili ng kagamitan.
PAGSASANAY:
Panuto: Salungguhitan ang paksa sa pangungusap at bilugan ang pandiwa. Pag-aralan ang ugnayan ang paksa at pandiwa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
a. Aktor
b. Gol
c. Lokatib
d. Benepaktib
e. Instrumental
f. Kosatib
___1. Si Anthony ay nagsulat ng isang maikling kwento.
___2. Pinaglutuan ng kanin ni Josie ang bagong kaldero.
___3. Pumunta sina John sa Bikol.
___4. Ipagluto mo ng lugaw ang maysakit.
___5. Ipinansulat ni ronnie ang sa lupa ang bato.
___6. Ikinagalit ni Abby ang kanyang pagsisinungaling.
___7. Kinuha ng bata ang Cellphone sa ibabaw ng mesa.
___8. Pinaghukayan ni Pedro ang kanilang bakuran.
___9. Pinuntahan ng mga Pulis ang pinagkukutaan ng mga criminal.
__10. Ikinuha niya ng makakain ang maysakit.
TALAKAYAN IV:
KAGANAPAN NG PANDIWA
Aralin 4
Layunin:
- makikilala ang ibat-iabang gamit ng kaganapan ng pandiwa.
KAGANAPAN NG PANDIWA
- ang kaganapan ay ang relasyon ng pandiwa sa panaguri ng pangungusap.
Mga Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
1. Kaganapang Tagaganap
- Bahagi ito ng panaguri na gumaganap sa kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na
pagdiriwang ng kalayaan ng bansa.
2. Kaganapang Layon
- Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na
tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag- aaral,
sapangdating ng mga panauhin.
3. Kaganapang Tagatanggap
- Bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino
ang nakikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mga
biktima ng sunog.
4. Kaganapang Ganapan
- Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na siyang
pinaggaganapan ng kilos na ipinahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Nanood ng pagtatanghalv sa plasa ang mga kabataan.
5. Kaganapang Kagamitan
- Bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay
o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Iginuhit niya ang larawan ni Rizal sa pamamagitan ng lapis.
6. Kaganapang Direksyunal
- Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong
isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong araw.
7. Kaganapang Sanhi
- Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng
pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagwagi sila sa pakikihamok dahil sa katatagan ng kanilang loob.
PAGSASANAY:
Panuto: isulat ang kaganapan ng pandiwa ng mga salitang may salungguhit titik lamang ang isulat.
a. Kaganapang tagaganap o aktor
b. Kaganapang layon o gol
c. Kaganapang lokatib o ganapan
d. Kaganapang instrumental o kagamitan
e. Kaganapang kosatib
f. Kaganapang tagatanggap o benepaktib
___1. Binungkal ng mga tao ang lupaing pagtatamnan ng mga palay.
___2. Nilabhan ni Ines ang mga damit ng kanyang kuya sa ilog.
___3. Kumuha ang mga bata ng duhat sa bukid.
___4. Nagsayaw ng tinikling sa plasa ang mga kabataan.
___5. Nanguha si Annie ng mga kamatis para kay Danvin.
___6. Binuksan ni Ging ang kabinet sa pamamagitan ng susi.
___7. Ipinagkaloob ng pangulo ang gantimpala sa nagwagi.
___8. Nagpaluto si Leah ng napakasarap ng bibingka.
___9. Naoperahan si Tery dahil pumutok ang apendisitis nito.
___10. Isinadula ng mga mag-aaral ang nobelang Nole Me Tangere.
Mga sagot:
Pagsasanay I
1. itinampok, tinatampok, itatampok
2. nagpakasaya, nagpapakasaya, magpapakasaya
3. kinaltas, kinakaltas, kakaltasin
4. pinagtakpan, pinagtatakpan, pagtatakpan
5. nagsaya, nagsasaya, magsasaya
6. tumulong, tumutulong, tutulong
7. ikinamangha, ikinamamangha, ikamamangha
8. nagkasubukan, nagkakasubukan, magkakasubukan
9. ipinagtanggol, ipinagtatanggol, ipinagtanggol
10. pinuntahan, pinupuntahan, pupuntahan
10. pinuntahan, pinupuntahan, pupuntahan
Pagsasanay II
1. P 6. K
2. K 7. P
3. P 8. K
4. P 9. K
5. P 10. P
Pagsasanay III
1. A 6. F
2. C 7. D
3. A 8. C
4. D 9. C
5. E 10. D
Pagsasanay IV
1. A 6. D
2. F 7. A
3. B 8. F
4. C 9. E
5. F 10. A
Para sa iba pang kalinawan, panoorin.
:)